title: DUMATING NA DIN SI MOMMY!
date: Friday, January 2, 2009
time:9:11 AM
unang blog ko sa 2009! yes. january 2 na, uuwi na din si MOMMY ( actually, lola ko siya ). at kami ang susundo sa kanya...
excited na ko dumating siya kasi madami na naman akong chocolate na kakainin makikita ko na siya ulit. ( hihi^^ ) sa sobrang pagkaexcite, gabi pa lang, eh nag alarm na ko ng 6:30 ng umaga. ang kaso lang eh 3am na ata ako nakatulog kakacomputer at kakagawa ng kung anu-ano.
kaya ayun, nakatulog na ko. at parang ilang sandali lang eh nag alarm na yung cellphone ko. 6:30 na, gigising nako... pero sa sobra at sa ubod ng katamaran ko, dahil nga antok pa ko. PINATAY KO YUNG ALARM CLOCK.
ayun. tulog na naman.. zzzzzzz.. zzzzzzz...
ginising nila ulet ako ng 7am. nag inarte na naman ako. tulog ulet. :] zzzzz...
nang ginising ulit ako ng 8am. ayan, buhay na buhay na ko sa wakas.
kumain. nagcomputer sandali check ng accounts ligo bihis
tulog pa si kuya. tsk3. :| ang sarap pa ng tulog. eh kailangan daw 9:30 am nakaayos na kame.
ayun! gising na din ang hari sa katama ang KUYA ko.
naligo na siya. at naghihintay na kame ng magsusundo samin dito sa bahay ng lola ko.
BIGLA ko ba namang malalaman na 11am pa kame susunduin!
ANAK ng tipa @!#%&
waaa! pero ok lang. babawi na lang ako ng tulog, isang oras pa naman eh.
ayun. ginising na ko at aalis na din kame. SA WAKAS.
pumunta muna kami sa BLUE WAVE, para mag lunch. sa PIZZA HUT. eh pagkabagal-bagal ba naman ng waitress eh gutom na kami!
at nakakain na din. punta naman kami STARBUCKS. at syempre, request ko. haha. :D
ayan na, ayan na,
nasa AIRPORT na kame sa wakas! excited na ko sa pagdating ni mommy!
.
.
.
at dumating na siya! yehey!
andami niyang pasalubong. sobrang na miss ko siya.
sige, hanggang dito muna.
Kakainin ko muna lahat ng chocola
KUWENTUHAN MUNA KAME. :))
/ top
|
|